Matapos makapagtala ng maraming kaso ng panggahasa sa Bangladesh nitong mga nakaraang Linggo na sinundan ng malawakang kilos protesta upang amyendahan ang batas na magtataas sa parusahang kamatayan mula sa dating pagkakakulong lamang, inaprubahan na ang death penalty sa bansa.
Inaasahan ni Bangladeshi Minister for law Anisul Huq na sa pamamagitan ng parusang ito ay mababawasan ang kaso ng rape sa bansa, samantalang ayon naman sa right groups ang parusang death penalty sa rapist ay di sapat upang pagdusahan ang kasalanan.
Samantala ayon naman kay Sultan Mohammed Zakaria isang South Asia researcher lubhang nakakabahala at nakagugulat ang parami ng paraming kaso ng pangagahasa sa mga kababaihan sa Bangladesh at ito ay nangangailan ng agarang aksyon ng pamahalaan ng Bangladesh. —sa panulat ni Agustina Nolasco