Hindi akma ang parusang kamatayan para sa karumaldumal na krimen gaya ng panggagahasa, ito ang pahayag ni United Nations (UN) rights Michelle Bachelet kaugnay sa pagkakaapruba ng death penalty sa bansang Bangladesh.
Ani Bachelet wala pang patunay na nagpapakita na ang parusang kamatayan ay nakapagpapababa ng kaso ng mga krimen kung ikukumpara sa ibang mga parusa.
Ayon pa kay Bachelet ang tiyak at malinaw na kaparusahan at hindi mas malalang parusa ang nakapagpapababa ng mga krimen, ‘wag aniya hayaan ang ating mga sarili na gumawa pa ng mas maraming paglabag.
Matatandaang lumabas ang pahayag na ito ng UN matapos hatulan ng hukaman ng Bangladesh nitong Huwebes ang 5 kalalakihan ng death penalty sa kasong gang rape noong 2012 sa 15 years old na batang babae.— sa panulat ni Agustina Nolasco