Pabor ang liderato ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na patawan ng parusang kamatayan o death penalty ang mga pulis na makagagawa ng karumal-dumal na krimen o ‘yung mga heinous crimes.
Ito ang naging pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año sa gitna ng pamamaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.
Dagdag pa ni Año, kung sa kasalukuyan ay may parusang kamatayan, gusto nito na parusang kamatayan ang ipataw kay Nuezca.
Sa huli, iginiit pa ni Año na karapat-dapat lang na death penalty ang ipataw na parusa sa mga men-in-uniform na siyang makagagawa ng heinous crimes gaya ng pagpatay.