Sumampa na sa 100 at 12 ang bilang ng nasawi sa pilipinas matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.
Batay sa pinakahuling datos ng NDRRMC, walumpu’t dalawa sa mga nasawi ay kumpirmado habang 30 ang bineberipika.
Sa bilang ng nasawi, pinakamarami ay nagmula sa BARMM na may 61; 22 sa Western Visayas, 12 sa CALABARZON at ang natitira ay sa region 4-b, 5, 7, 8, 12, at Cordillera Administrative Region.
Nananatili naman sa 34 ang nawawala sa bansa dahil sa Bagyong Paeng.
Samantala, sa datos pa ng ndrrmc ay pumalo na sa 751 ,800 pamilya ang naapektuhan ng bagyo o 2 , 491 , 316 indibidwal.
Sa bilang na ito, 52 , 541 pamilya o 189 , 392 indibidwal ang nananatili sa 2 ,724 evacuation centers sa buong bansa.
Ang Western Visayas ang mayroong pinakamaraming evacuation centers na may 935 na tinutuluyan ng 74 ,283 pamilya; sinundan ng CALABARZON na may 745 evacuation centers na tinutuluyan ng 55 ,007 pamilya.