Umakyat na sa labingtatlo (13) ang nasawi habang isa ang nasugatan at isa ang nawawala matapos ang pananalasa ng habagat at magkakasunod na bagyo.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, pawang nagmula sa Regions 1, 4-A, 4-B, 6, 7, CAR at NCR ang mga biktima.
Nagbalikan na rin sa kani-kanilang bahay ang karamihan sa mga naapektuhang pamilya.
Bagaman humupa na ang baha sa maraming lugar, suspendido pa rin ang klase sa apatnaraan dalawang (402) lungsod at bayan sa mga nabanggit na rehiyon.
Umabot naman sa isandaan labingsyam (119) na kalsada at siyam (9) na tulay ang naapektuhan ng kalamidad.
Samantala, tinaya na sa kabuuang 2.8 bilyong piso ang pinsala sa imprastraktura at agrikultra na pinakamatinding naapektuhan kung saan aabot sa 2.2 bilyong piso ang halaga ng pinsala.
Classes still suspended
Samantala, nananatiling suspendido ang klase ngayong araw na ito sa ilang lugar sa Central at Northern Luzon.
Kabilang dito ang bayan ng Masantol sa Pampanga dahil mataas pa rin ang tubig baha dito dulot ng patuloy na pag-ulan.
Gayundin sa Dagupan City sa Pangasinan base na rin sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council kasunod ng matindi pa ring pagbaha sa pangunahing lansangan sa lungsod.
—-