Umakyat na sa 10 ang bilang ng nasawi sa pagguho ng isang limang palapag na hotel sa Quanzhou china na ginagamit din bilang quarantine center para sa corona virus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa ulat ng ministry of emergency management ng china, nasa 48 indibiduwal na ang kanilang narekober mula sa guho kung saan 38 rito ang isinugod sa ospital.
Habang patuloy namang pinaghahanap ang nasa 23 iba na pinaniniwalaang natabunan.
Sa inisyal na impormasyon, hindi bababa sa pitumpu katao ang nasa loob ng hotel nang gumuho ito kung saan limamput walo ang sumasailalim sa quarantine dahil sa (COVID-19).
Sinasabing, sumasailalim sa renovation ang unang palapag ng gusali nang ito ay gumuho.