Patuloy ang pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa Virtual Presser, ipinabatid ni Health Secretary Francisco Duque III na 71 ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag.
Dahil dito, pumapalo na sa 707 ang kabuuang COVID-19 cases sa bansa kung saan 45 ang death toll.
Samantala, dalawang pasyente naman ang nakarekober sa COVID-19 kaya’t umakyat sa 28 ang recoveries sa nasabing virus.