Sumirit na sa 31 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Western Visayas kasunod ng pagpapanaw ng lima pang pasyente.
Ayon sa Department of Health-Western Visayas Center for Health
Development (DOH-CHD 6), naitala ang pinakamataas na bilang ng mga nasawi nitong Agosto 8.
Samantala, nabatid na mayroon nang 92 bagong coronavirus cases sa rehiyon kung saan 16 sa mga ito ay locally stranded individuals (LSIs) habang ang sampung iba pa ay pawang mga returning overseas Filipinos (ROFs).