Umakyat na sa 17 ang bilang ng nasawi sa dalawang magkasunod na lindol sa Cotabato nitong October 29 at 31.
Tatlo sa mga nasawi ang mula sa Davao Del Sur, dalawa sa South Cotabato, isa sa Sultan Kudarat at ang 11 ay mula sa Cotabato.
Ibinaba naman ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC sa 303 ang bilang ng sugatan mula sa dating mahigit sa 400 samantalang dalawa pa ang nawawala.
Samantala, nasa mahigit 3,000 imprastraktura ang nasira mula sa Regions 9, 10, 11 at 12.
Nitong Biyernes ng umaga, muling niyanig ng 5.5 magnitude ng lindol ang Mindanao samantalang nagkaroon pa ng magnitude 5 na lindol sa dakong hapon.