Pumapalo na sa mahigit 400 ang death toll sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa China.
Ayon sa Chinese health authorities, nasa 426 ang bilang ng mga nasasawi sa 2019 nCoV-ARD kung saan nadagdagan pa ng mahigit 60 ang bilang ng mga nasawi sa loob lamang ng halos isang araw.
Nakapagtala naman ng dagdag na 2,400 na panibagong kaso ng 2019 nCoV-ARD kaya’t umaabot na sa halos 20,000 ang bilang ng kaso nito sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Samantala, sa Amerika, nadagdagan pa ang naitatalang kaso at nasa 13 na ang kumpirmadong 2019 nCoV-ARD cases sa kasalukuyan.
Nasa 12 na rin ang kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV-ARD sa Germany.