Umabot na sa 42 ang iniwang patay sa pananalasa ng bagyong Nona.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nasa 24 katao ang naitalang sugatan habang 6 pa ang nawawala.
Batay sa datos ng NDRRMC, papalo sa mahigit 165,000 pamilya ang inilikas sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Eastern at Central Visayas.
Samantala, tinatayang nasa mahigit P5 bilyong piso ang pinsalang idinulot ng bagyo sa imprastraktura at sektor ng agrikultura.
By Ralph Obina | Jonathan Andal