Sumampa na sa 156 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Kinumpirma rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na 141 ang nasugatan habang 37 ang nawawala.
Tinaya naman sa halos 2M katao ang apektado kabilang ang nasa 1,000 indibidwal na nananatili sa evacuation centers.
Aabot na sa halos P170-M ang halaga ng tulong ang ipinamamahagi ng gobyerno.
Sa ngayon ay apat na rehiyon na ang nasa ilalim ng State of Calamity na tatagal ng anim na buwan upang mapabilis ang relief at recovery efforts ng gobyerno sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng kalamidad.