Sumampa na sa 150 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV na 94 dito ay kumpirmado na habang ang iba ay bineberipika pa.
Kaugnay nito, patuloy pa rin aniya ang kanilang assessment sa pinsala na idinulot ng bagyo lalo na sa sektor ng imprastruktura na umabot na sa higit P1-B habang P2.4-B sa sektor ng agrikultura.
Binigyang-diin naman ni Alejandro na posible pang tumaas ang bilang ng danyos sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo.
Yes posible pa pong tumaas ito, itong mga cause of damage po at hindi pa po tapos yung ibang areas natin na ma-assess yung kanilang damage cases, base sa assessment namin yung ano pa rin we have the BARMM, Regions 6, tatlong probinsiya sa 4A, then Bicol po, so yun po yung tinitingnan natin kasunod na rin sa direktiba ng Pangulo na doon tayo magconcentrate sa mga rescue and relief efforts so yun po tinututukan po natin itong apat na regions…”
Tinig ni NDRRMC spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, sa panayam ng DWIZ