Sumampa na sa 41 ang patay na iniwan ng bagyong Urduja.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, karamihan o 28 sa mga nasawi ay naitala sa Biliran, 5 sa Leyte, 3 sa Masbate, 2 sa Samar at tig-iisa sa Eastern Samar, Surigao del Norte at Camarines Sur.
Pero inisyal pa lang aniya ang bilang na ito at kailangan pang kumpirmahin ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Karamihan aniya sa sanhi ng pagkamatay ng mga biktima ay landslide, pagkalunod at pagbaha.
Aabot din sa 47 ang napaulat na nawawala.
Umakyat naman na sa 67 ang naitalang sugatan.
Ayon pa kay Marasigan nasa 12,000 pamilya pa ang nasa mga evacuation center sa MIMAROPA, Caraga, Regions 5, 6, 7 at 8.
Habang higit 100 na lang aniya ang stranded na mga pasahero ngayon sa sa mga pantalan sa CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas.