Sumampa na sa mahigit dalawandaan (200) ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Vinta.
Tinatayang 70,000 katao naman ang apektado ng flashfloods at landslides partikular sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at Del Sur na kabilang sa pinakamatinding hinagupit ng bagyo.
Biyernes ng madaling araw nang magsimulang manalasa ang naturang sama ng panahon sa Mindanao.
Samantala, nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo makaraang dumaan sa Mindanao patungong West Philippine Sea, kahapon.
—-