Pumalo na sa mahigit 150 na bata ang nasawi sa brain fever na kumalat sa estado ng Bihar sa India.
Mahigit 130 rito ay nagmula sa Muzffarpur na syang itinuturing na epicenter ng outbreak ng acute encephalitis syndrome (AES).
Samantala, ipinag-utos na ng korte suprema sa India ang imbestigasyon sa posibleng kapabayaan ng federal health ministry at ministry of health ng Bihar kaya’t kumalat ang brain fever.
Karaniwang kinakapitan ng AES ang mga batang undernourished at wala pang sampung taong gulang.
Namamaga umano ang utak ng batang may AES, subalit naniniwala ang mga eksperto na mayroong toxin ang hilaw na bunga ng lychee na sanhi ng pagbagsak ng sugar level ng mga malnourished na batang apektado ng AES.