Nilinaw ngayon ng mga awtoridad na tatlumpu’t tatlo (33) at hindi tatlumpu’t apat (34) ang kabuuan ng bilang ng mga nasawi sa bus na nahulog sa bangin sa Carranglan, Nueva Ecija noong April 18.
Ayon sa ulat, nadoble ang bilang sa isang katawan kayat sumampa sa tatlumpu’t apat (34) ang death toll.
Gayunman, nasa tatlumpu’t tatlo (33) lamang ang bilang nang magsagawa ng recount sa mga bangkay at tatlumpu’t tatlo (33) lamang din ang naipalabas na tulong para sa mga naulila ng mga biktima ng aksidente.
Matatandaang noong Sabado, karamihan sa mga kaanak ng mga nasawing pasahero ay nakatanggap na ng cash assistance na nagkakahalaga ng dalawandaan at dalawampung libong (P220,000) piso.
By Ralph Obina
Death toll sa bus tragedy sa Nueva Ecija binigyang linaw was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882