Umakyat pa sa 25 ang bilang ng nasawi sa Cambodia matapos masunog ang isang hotel at casino complex.
Ayon kay Sek Sokhom, direktor ng information department ng probinsya ng Banteay Meanchey, ilan sa mga katawan ay nakita sa hagdan ng gusali.
Tinatayang daan-daang katao ang nasa loob ng venue ng Grand Diamond City, na matatagpuan sa bayan ng Poipet na nakikita sa hangganan ng Thai, nang sumiklab ang sunog.
Matatandaang una rito, sinabi ng isang opisyal ng pulisya ng Cambodia na naniniwala silang “marami pang katawan ang nakakulong sa loob”.
Daan-daang mga sundalo at opisyal na rin ng pulisya ng Cambodia, kasama ang mga boluntaryo mula sa Thailand, ang nakikibahagi sa paghahanap.