Umakyat na sa 17 katao ang patay sa China dahil sa kumakalat na panibagong strain ng coronavirus.
Naitala ang mga kaso ng pagkamatay sa Hubei province, capital ng Wuhan, kung saan sinasabing nagmula ang nasabing virus.
Aabot na rin sa mahigit 470 katao ang nagpositibo sa coronavirus sa China.
Dahil dito, magkakaroon ng emergency meeting ang World Health Organization (WHO) para pagusapan kung dapat nang ideklarang isang global health emergency ang pagkalat ng virus.
Ayon sa ilang Chinese officials, pinaniniwalaang nagmula ang cornavirus sa isang lugar sa Wuhan na talamak ang bentahan ng live wild animals tulad ng ilang uri ng lobo at mga pusa.