Sumampa na sa mahigit 400 ang bilang ng nasawi sa pagtama ng 7.8 magnitude na lindol sa Ecuador.
Batay sa tala ng pamahalaan ng Ecuador, maliban sa naturang bilang, aabot na din sa mahigit 2,000 ang napaulat na nasugatan.
Ayon kay President Rafael Correa, ito na ang pinakamalaking trahedyang tumama sa Ecuador sa nakalipas na 7 dekada.
Sinabi ni Correa na bilyong bilyong dolyar ang kanilang kinakailangan upang maitayo ang mga pinabagsak na gusali ng lindol at upang maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga apektado nilang mamamayan.
By Ralph Obina