Sumampa na sa 44 ang nasawi bunsod ng pagbaha dulot ng pag-ulang dala ng shear line sa Visayas at Mindanao.
Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hanggang kaninang ala-6:00, pinakamarami sa mga nasawi ay mula sa Northern Mindanao.
Ayon sa NDRRMC, 28 ang nawawala habang 12 ang nasugatan.
Pumalo naman sa 130,000 pamilya o mahigit kalahating milyong katao na ang apektado ng kalamidad sa Northern Mindanao, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Eastern Visayas at CARAGA.
Kabilang na rito ang mahigit 15,000 pamilya o halos 67,000 indibidwal na nananatili sa mga evacuation center.