Mahigit 200 katao na ang patay sa heatwave sa Pakistan.
Ipinabatid ng Provincial Health Minister na 202 katao ang nasawi sa heatwave mula pa lamang sa siyudad ng Karachi kung saan pumapalo sa 45 degrees celsius ang pinakamataas na temperatura.
Kasabay nito, nagdeklara na rin ng state of emergency sa Karachi dahil malawak na ang nawalan ng kuryente bukod pa sa nauubusan na ng lugar sa mga morge.
By Judith Larino