Umakyat na sa mahigit 100 katao ang bilang ng nasawi sa ilang araw nang kilos protesta sa Iraq, walo sa mga ito ang security forces ng Iraq na humarap sa mga raliyista.
Libu-libong Iraqi nationals ang sumama sa demonstrasyon bilang protesta sa anila’y patuloy na katiwalian sa pamahalaan ng Iraq at kawalan ng trabaho.
Kinundena ng High Commission for Human Rights ang anila’y paggamit ng baril laban sa mga mapayapang demonstrasyon.
Kaugnay nito, nagsimula na rin ang ‘boycott’ sa mga legislative meetings.
Nanawagan si Iraqi Cleric Moqtada Al-Sadr na magbitiw ang lahat ng opisyal ng pamahalaan at magkaroon ng snap elections.
Dahil dito, naglatag na ng mga hakbang ang pamahalaan ni Iraqi Prime Minister Adel Abdul Mahdi upang mapigilan ang muling pagsiklab ng karahasan matapos nilang ideklara ang pagkatalo ng Islamic state sa kanilang bansa.
Kabilang dito ang pinalawak na subsidiya para sa pabahay at sa mga walang trabaho at training at pautang para sa mga walang trabahong kabataan.