Pumalo na sa 74 ang nasawi sa pagtama ng super-typhoon Hagibis sa Japan.
Ayon sa public broadcaster ng Japan na Nippon Hoso Kyokai (NHK), marami sa mga namatay ay nalunod sa mga umapaw na ilog partikular sa Fukusima Prefecture.
Bukod sa mga nasawi, 12 iba pa ang pinaghahanap pa habang mahigit 200 naman ang naitalanang nasugatan dahil sa bagyo.
October 13, 2019 ng manalanta ang bagyong Hagibis sa Tokyo, Japan at tinuturing itong pinaka malakas na bagyong tumama sa bansa sa nakalipas na 60 taon.