Pumalo na sa dalawandaan at pitumpu’t tatlo (273) ang death toll sa pagtama ng 7.1 na lindol sa Mexico.
Ayon kay Mexican President Enrique Peña Nieto, highest priority ng rescue operations ngayon ay ang mga sugatan sa naturang trahedya.
Naniniwala ang rescuers na marami pa ring residente ang na-trap nang buhay sa mga gumuhong gusali sa Mexico City pa lamang.
Dahil dito, nagtutulong-tulong ang may 500 sundalo at 200 pulis at volunteers para hanapin ang mga nawawala pang mamamayan.
—-