7 na ang naitalang patay dahil sa magnitude 6.3 na lindol na tumama sa North Cotabato noong Miyerkules, Oktubre 16.
Batay sa pinakahuling pagtala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong sabado, nadagdagan ng dalawa (2) katao ang patay sa naganap na lindol.
Hindi na pinangalanan ang dalawang biktima ngunit sinabing ang mga ito ay mula sa bayan ng Alamada, Cotabato.
Wala ring pahayag ang NDRRMC kung pano nasawi ang mga ito.
Kung pagsasamahin ang mga bilang ng mga nasirang imprastruktura mula sa mga lugar matinding napinsala ng lindol (Soccsksargen, Davao, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao), tinatayang aabot na ang mga ito sa 1,699.
Ilang bayan na rin ang nagdeklara ng state of calamity tulad ng Makilala sa M’lang sa Cotabato province.