Umakyat na sa 73 ang death toll sa pagtama ng magnitude 6.2 na lindol sa West Sulawesi province, Indonesia.
Ayon sa disaster mitigation agency, bukod sa mga nasawi, umabot din sa mahigit 800 ang sugatan at halos 30,000 ang napilitang lumikas dahil sa lindol.
Dahil dito, mistulang sardinas nang nagsisiksikan sa mga evacuation centers ang mga residente.
Nagpapatuloy ang emergency response ng Indonesian government sa mga apektadong lugar.