Pumalo na 22 ang bilang ng nasawi sa pagtama ng magkasunod na malakas na lindol sa Mindanao noong Oktubre 29 at 31.
Batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nadagdag sa bilang ang isa sa mga unang napaulat na nasugatan sa lindol at kalauna’y nasawi na rin.
Kinilala ang biktima na si Melecia Jamero Siega, 67 anyos na taga Barangay Buena Vida, Makilala, Cotabato.
Nasawi ito matapos magtamo ng mga pinsala sa katawan nang mahulugan ng mga debris sa pagtama ng magnitude 6.5 na lindol noong Oktubre 31.
Nanatili namang dalawa (2) ang bilang ng nawawala habang 432 ang sugatan.
Samantala, umaabot na sa halos 29,000 mga imprastraktura ang nasira dahil sa lindol.