Umakyat na sa pito ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.6 na lindol na tumama sa Papua New Guinea.
Ayon sa mga otoridad, inaasahang madadagdagan pa ito ngayong nagsimula na rin ang mga aktibidad ng mga rescuer sa mga remote at landslide-hit communities.
Sinabi ni Police Commissioner David Manning na tatlong minero ang nalibing nang buhay sa bayan ng wau habang ang apat naman sa mga biktima ay nagmula sa Morobe at Madang Provinces.
Tumulong na rin ang ilang missionary groups at pribadong kumpanya upang maabot ang mga isolated community.
Samantala, batay sa assessment ng UN, napinsala rin ng lindol ang Ramu Hydropower Plant, na nagresulta sa total system outage sa Highlands Provinces, Madang, at Morobe.