Pumalo na sa 61 ang bilang ng nasawi sa Maguindanao matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon kay Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, 17 indibidwal pa rin ang kanilang hinahanap matapos ang naganap na landslide sa rehiyon.
Nangyari ang mga landslides na ito sa Barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat; Barangays Romong-Ga-Ob at Lo-Oy sa South Upi; at Barangays Ma-A-Gabo Bayanga Sur Norte at Kabugaw Sapad sa Matanog.
Pumalo naman sa 30 mula sa 36 munisipalidad at 370 mula sa 508 barangay sa probinsya ang nasalanta ng bagyo, na nakaapekto sa 124,501 pamilya o 22,605 indibidwal.
Samantala, 10 tulay din ang nasira ng bagyo sa Maguindanao na kinabibilangan ng; Ledepan Bridge, Kurintem Bridge, DBS Bridge, Sarakan Street, Matengan Steel Bridge, Darapan Steel Bridge, Lower Magulat Kiga, Upper Magutay Rempes, Labu-Labu Bridge, at Nituan Bridge.