Pumalo na sa 57 ang death toll sa malawakang pagbaha sa Brazil.
Nakaranas din ang hilagang-silangang bahagi ng naturang bansa ng mudslides bunsod ng malakas na pag-ulan.
Ayon sa Federal Civil Defense Service, 56 ang nasawi sa Northeastern State of Pernambuco at isa sa Alagoas.
Umakyat naman sa mahigit 100 ang nawawala habang mahigit 6,000 indibidwal ang nananatili sa government-designated aid points at mahigit 7,000 naman ang nakikitira sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak.
Tiniyak naman ni Brazilian President Jair Bolsonaro ang tulong para sa mga apektadong indibidwal.