Pumalo na sa 21 katao ang namatay sa patuloy na pananalasa ng malaking sunog sa northern California.
Bukod pa sa mga nasawi, aabot naman sa halos 200 katao ang naiulat na nawawala.
Batay sa report, nasa 70 ektarya ng lupain ang tinupok na ng apoy sa Sonoma, Napa at Mendocino.
Ayon sa mga awtoridad, isang malaking hamon sa kanila ngayon nang nararanasan na malakas na hangin sa lugar na nagiging sanhi ng paglawak pa ng apoy.
Samantala, pinirmahan na ni US President Donald Trump ang major disaster declaration at fire management assistance grants para sa nasabing lugar.
—-