Sumampa na sa 11 ang death toll sa mass shooting sa loob ng isang dance hall sa Monterey Park sa Los Angeles, California, kung saan kabilang sa mga biktima ay isang Pilipino.
Kinilala ng Los Angeles County Coroner Office ang biktima na si Valentino Alvero, 68-anyos.
Kinumpirma rin ng mga kaibigan ni Alvero ang kanyang pagkasawi sa naganap na pamamaril.
Ayon pa sa mga otoridad, gumamit ang suspek na si Huu Can Tran, ng isang semi-automatic pistol, na ikinasawi ng mga biktimang edad 50 hanggang 70 taong gulang.
Namatay din kalaunan ang 72 taong gulang na suspek matapos nitong barilin ang sarili nang siya’y mapalibutan ng mga otoridad habang nasa loob ng isang puting van.
Selos ang tinitingnang motibo ng mga otoridad sa mass shooting.