Umabot na sa 48 indibidwal ang nasawi habang 22 katao ang nawawala dahil sa baha.
Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bunsod ng shear line sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa NDRRMC, may kabuuang 136,626 pamilya, o 532,155 katao ang naapektuhan habang naiulat na may nasirang kabahayan sa MIMAROPA, Regions 6, 8, 9, 10, 11, Caraga, at BARMM.
Samantala, 22 lungsod at munisipalidad ang isinailalaim sa State of Calamity. —sa panulat ni Jenn Patrolla