Pumalo na sa 61 ang death toll sa matinding winter storm sa Amerika.
Karamihan sa mga nasawi ay naitala sa Erie County kabilang ang siyudad ng Buffalo.
Dahil sa pagtaas ng temperatura sa lugar, nangangamba ang mga opisyal sa New York, sa posibleng pagbaha.
Nagdulot naman ang kalamidad ng labis na pagbaba ng temperatura sa ilang lugar kabilang ang Texas at Florida at pagkaantala ng libu-libong flights.