Pumalo na sa 152 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na flashflood at landslides sa siyudad ng Petropolis sa Brazil bunsod ng matinding pag-ulan.
Ayon sa mga otoridad, nasa 165 katao ang patuloy na pinaghahanap, kung saan pinangangambahang patay na rin ang ilan sa mga ito.
Sa ngayon ay nasa 124 na mga katawan ang natukoy ng mga otoridad, kung saan kabilang dito ang 28 mga bata.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Pope Francis matapos ang kanyang angelus prayer sa Saint Peter’s Square sa Vatican.