Pumalo na sa 443 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa matinding pag-ulan sa South Africa na nagdulot ng pagbaha at mudslides.
Batay sa ulat, patuloy pang pinaghahanap ang nasa 12 indibidwal sa probinsya ng Kwazulu-Natal.
Ayon sa isang Provincial Economic Official, tinatayang aabot na sa $684.6m ang halaga ng pinsala sa imprastraktura.
Samantala, naantala naman ang nakatakda sanang pagbisita ni South African President Cyril Ramaphosa sa Saudi Arabia upang talakayin kung paano tutugunan ang nangyaring kalamidad sa kanilang bansa.