Umakyat na sa 16 ang death toll dahil sa pananalasa ng severe typhoon ‘Hato’ sa Macau at Hong Kong.
Walo sa mga nasawi ay mula sa Gambling Hub ng Macau matapos na malubog sa tubig baha ang parking area ng mga casino doon.
Karamihan sa mga nasawi ay nabagsakan ng pader, nahulog mula sa ika-apat na palapag at nabagsakan ng truck na pinatumba ng malakas na hangin.
Sa Hong Kong, itinaas ang highest storm warning signal na typhoon 10 warning dahil sa nasabing bagyo.
Ang nasabing bagyo ay nag paralisa ng transportasyon sa Hong Kong at Macau at nawalan din ng kuryente at signal ang mga network company.