Sumampa na sa walong daan at apatnapu’t pito (847) ang nasawi sa pananalasa ng cyclone Idai sa Mozambique Zimbabwe at Malawi.
Batay sa ulat, dalawang malaking ilog sa Zimbabwe ang umapaw dahilan ng paglubog ng ilang mga bayan kung saan aabot sa mahigit dalawang daang libong (200,000) mga kabahayan.
Bunsod din ng malawakang pagbaha, sumampa na mahigit sa dalawang libo’t pitong daan (2,700) na ang tinamaan ng cholera sa nasabing bansa kung saan lima (5) na ang namatay.
Patuloy namang humihingi ng tulong para sa pagkain, malinis na tubig at matutuluyan ang daang libong mga taga-Zimbabwe at Malawi.
—-