Pumalo na sa mahigit isang daan at dalawampu (120) ang nasawi sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Tripoli, Libya.
Batay ito sa tala ng World Health Organization (WHO) kung saan umaabot naman sa mahigit limang daan at animnapu (560) ang sugatan.
Ayon sa WHO, patuloy din ang pagpapadala nila ng mga medical supplies at mga tauhan sa Tripoli para magbigay ayuda sa mga naiipit sa labanan sa pagitan ng Libyan National Army at Government of National acCord.
Kasabay nito, kinondena naman ng WHO ang pauli-ulit na mga pag-atake sa kanilang mga health care workers at kanilang mga sasakyan sa gitna ng kaguluhan.
—-