Umabot na sa 133 bata ang nasawi matapos matamaan ng sakit na Acute Kidney Injury (AKI) sa Indonesia.
Ayon kay Health Minister Budi Gunadi Sadikin, mayroong 241 kaso ng Acute Kidney sa 22 probinsya sa nasabing lugar.
Nabatid ng mga otoridad dahil sa sangkap ng Ethylene Glycol, Diethylene Glycol and Ethylene Glycol Butyl Ether.
Inatasan naman ni Budi na ipagbawal sa kanilang bansa ang lahat ng syrup, liquid medication prescription at over-the-counter sales.
Karamihan sa mga kaso ng aki na naiulat, mga batang wala pa sa limang taong gulang. —sa panulat ni Jenn Patrolla