Sumampa na sa 20 ang bilang ng mga nasawi matapos ang naganap na sunog sa isang nightclub sa Thailand noong Agosto 5.
Batay sa imbestigasyon ng awtoridad, una nilang narekober sa Mountain B Club sa Chonburi Province ang bangkay ng 13 indibidwal habang kamakailan lamang nang mamatay ang pito pa dahil sa mga natamong injury.
Nabatid na lahat ng biktima ay Thai nationals.
Sa ngayon, nagpapagaling pa rin sa ospital ang 25 sugatan sa naturang insidente.