Pumapalo na sa halos 7,000 ang death toll sa kampaya ng gobyerno kontra illegal drugs.
Ayon kay Police Major General Mao Aplasca, PNP directorate for operations, ang mga nasawi ay kaso ng mga umalma sa pag-aresto sa kanila at karamihan aniya ay mga nanlaban sa mga otoridad kayat nabaril.
Mula nang simulan ang kampanya noong 2016, ipinabatid ni Aplasca na nasa halos 250,000 drug pushers at addicts ang kanilang naaresto at mahigit 1,000 naman ang kusang sumuko sa ilalim na rin ng Oplan Tokhang Program.