Muling nabuhay ang debate sa amerika hinggil sa paggamit ng lethal injection bilang parusa.
Ito ay matapos abutin ng 34 na minuto ang execution kay ronald smith, na isinalang sa lethal injection para sa kasong pagpatay sa isang store clerk noong 1994.
Ayon kay Jefferson Dunn, prison commissioner ng Alabama, isasalang sa autopsy ang labi ni Smith upang malaman kung nagkaroon ng iregularidad.
Dahil hindi nagbibigay ng gamot ang pharmaceutical companies na naka base sa Europa, gumagamit ang ilang estado sa Amerika tulad ng Alabama ng tatlong gamot sa bawat execution.
Ang unang gamot ay para patulugin ang bilanggo, ang ikalawa ay magdudulot ng pagka paralisa at ang ikatlo ay ang magpapahinto sa pagtibok ng puso.
Kinukwestyon ng mga kritiko ang paggamit ng alabama sa pampatulog na midazolam dahil hindi umano ito nakakadulot ng deep state of unconciousness.
By Katrina Valle