Nauwi sa postponement ang vice-presidential and presidential debates ngayong weekend dahil sa misunderstanding o di pagkakunawaan ng Commission on Elections (COMELEC) debate contractor at ng Sofitel Garden Plaza na siyang official venue ng event.
Ayon sa COMELEC Debate Contractor na Impact Hub Manila, pinasok nila ang pribadong kasunduan sa Sofitel upang magbigay ng logistics and technical support sa debateng inorganisa ng komisyon.
Paglilinaw ng Impact Hub, hindi kasama ang poll body sa kontratang napagkasunduan ng IHM at Sofitel na nagkaroon ng mga miscommunication dahil sa mga incomplete report.
Dahil dito, inihayag ng Impact Hub Manila, na hindi muna sila magbibigay ng iba pang impormasyon ukol sa isyu na kasalukuyan na nilang ginagawan ng paraan upang agad nang maresolba.
Matatandaan na nakansela ang vice-presidential and presidential townhall debates kahapon April 23 at ngayong araw, April 24, 2022, matapos pumutok ang balita na nagkaroon ng problema ang cheque na ibinayad sa Sofitel.
Nakatakda namang ituloy ang naudlot na debate sa April 30 at May 1, 2022.