Tuloy ang debate sa Articles of Impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa plenaryo ng House of Representatives sa Mayo.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, gagawin pa rin nila ang kanilang tungkulin na bumuo ng isang matibay na kaso laban kay Sereno na iaakyat nila sa Senado.
Sakali aniyang matapos ang botohan sa plenaryo ay agad nila itong iaakyat sa Senado.
Gayunman, ititigil agad nila ang diskusyon sa impeachment sakaling maunang maglabas ng desisyon ang Korte Suprema sa Quo Warranto petition at ideklarang walang bisa ang appointment ni Sereno bilang Chief Justice.
Wala kaming pakialam sa Supreme Court kung anuman man ang maging desisyon nila. Tuluy-tuloy lang kami sa ginagawa namin, ang susunod na [pag-uusapan] ay ‘yung articles of impeachment na. Kung halimbawa man ay sabihin ng Korte Suprema na ginrant nila ‘yung Quo Warranto, so tigil na rin kami, wala na rin kaming iniimpeach. Pahayag ni Alvarez sa panayam sa DWIZ