Inaasahang titindi ang debate sa Bangsamoro Basic Law (BBL) matapos payagan ng kamara si Zamboanga City Representative Celso Lobregat na gisahin ang principal sponsor ng substitute bill na si Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez sa plenaryo, ngayong araw.
Tila umiwas si Rodriguez sa plenary interpolation noong Miyerkules matapos nitong ipaubaya sa kanyang co-author na si Misamis Occidental 2nd District Representative Henry Oaminal ang panukala subalit ginisa rin ito ni Lobregat.
Iginiit ng kongresista mula Zamboanga na maraming probisyon sa framework agreement at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro ang hindi kabilang sa BBL at substitute bill nito.
Hindi rin aniya nakasaad sa substitute bill ang mga transitional component ng normalization tulad ng pagbuwag sa mga private armed group, social-economic development program, transitional justice and reconciliation, resource mobilization at confidence building measure.
By Drew Nacino