Pinatitigil ng Magnificent 7 Minority Bloc sa liderato ng Kamara ang debate sa death penalty bill hanggat hindi pa nakikipag pulong sa mga Senador.
Kasunod ito nang isinampang resolusyon ng 14 na Senadorna naggigiit na anumang treaty o international agreement na binuo sa Senado ay hindi uubrang i terminate ng walang approval ng legislative body.
Ayon kay Congressman Edcel Lagman kailangang plantsahin ng liderato ng Kamara at Senado ang pagkakaiba nila ng pananaw sa usapin at mawawalan ng silbi kung lulusot lamang ang naturang panukala sa Kamara.
Sinabi ni Lagman na hanggat hindi pa nagpupulong ang mga lider ng Kamara at Senado ay dapat suspindihin muna ang deliberasyon ng death penalty bill sa Kamara.
By: Judith Larino