Patuloy ang pagdagsa ng mga deboto sa Quirino Grandstand sa Maynila para sa tradisyunal na pahalik sa imahe ng Itim na Nazareno bilang bahagi ng pista ng Quiapo.
Halos hindi na mahulugang karayom ang mga nag-aalay lakad na mga debotong nakayapak at nakasuot ng mga t-shirt na dilaw at maroon sa ilang pangunahing kalsada sa Lungsod gaya sa Quezon Boulevard, Recto Avenue hanggang Roxas Boulevard.
Bantay-sarado na rin ng mga pulis ang paligid ng Quirino Grandstand at mga kalapit lugar maging sa Plaza Miranda sa Quiapo.
Samantala, agaw-pansin din sa Quirino Grandstand ang mga tarpaulin na naka-display sa pahalik sa Nazareno kung saan nakasulat ang mga katagang ‘Huwag Kang Papatay’.
By: Allan Francisco