Tiyak na umanong galing sa Boeing 777 plane ang debris na natagpuan sa Reunion Island sa Southern Indian Ocean.
Sinabi ni Malaysian Deputy Transport Minister Abdul Aziz Kaprawi na ito ang konklusyon ng kanilang Chief Investigator kung pagbabatayan ang mga larawan ng debris.
Ang malaking debris ay ang flaperon o wing component ng Boeing 777 plane na siyang modelo ng nawawawalang Malaysia Airlines Flight MH-370.
Walang ibang insidente sa Indian Ocean na sangkot ang Boeing 777 kaya lalong lumalakas ang posibilidad na ang debris ay mula sa nawawalang Malaysia Airlines plane.
Sinabi ni Australian Deputy Prime Minister Warren Truss na isang mahalagang lead sa 17 buwan na nilang paghahanap, ang natagpuang debris.
By Mariboy Ysibido
Photo grabbed from CNN